Isa sa mga hinahangaang matinee idol noong dekada 1980s ay ang former actor na si JC Bonnin.
Bumida si JC sa hit films na Bagets at Bagets 2, kung saan nakasama niya sina William Martinez, Raymond Lauchengco, Aga Muhlach, at Herbert Bautista. Naging bahagi rin si JC ng ilang TV series gaya ng Flordeluna, kung saan nakatrabaho niya ang batikang aktres na si Janice de Belen.
Sa isang YouTube vlog ng former actress na si Bunny Paras, ibinahagi ni JC na nagtagal lamang ang kanyang showbiz career ng anim hanggang pitong taon. Iniwan niya ang mundo ng showbiz sa edad na 19.
Kasalukuyang naninirahan si JC sa United States kasama ang kanyang pamilya. Ibinahagi rin ng former matinee idol sa vlog ni Bunny na siya'y nagtatrabaho bilang isang hospice chaplain.
Alamin ang buhay ngayon ng former matinee idol na si JC Bonnin sa gallery na ito.
Isa si JC Bonnin sa kilalang heartthrobs noong 1980s. Sa Instagram, ibinahagi ni JC ang kanyang larawan noong kabataan niya. “When I was 17 [years] old haha!” sulat niya sa caption.
Bumida sina JC Bonnin, William Martinez, Raymond Lauchengco, Aga Muhlach, at Herbert Bautista sa hit movies na Bagets at Bagets 2 noong 1980s.
Naging bahagi si JC Bonnin ng iba pang mga pelikula tulad ng Ninja Kids at Kamagong. Kabilang din ang dating aktor sa TV series na Flordeluna, kung saan nakatrabaho niya ang seasoned actress na si Janice De Belen.
Masayang nakapanayam ng dating aktres na si Bunny Paras si JC Bonnin sa kanyang YouTube channel. Sa naturang vlog, ibinahagi ni JC na iniwan niya ang mundo ng showbiz sa edad na 19.
Ayon kay JC Bonnin, nagtungo siya papuntang London noong 1991 upang maging bahagi ng isang ministry. “I pastored for about 20 years,” pagbabahagi ni JC sa YouTube vlog ni Bunny Paras.
Ayon sa ilang news reports, taong 2011 nang lumipad si JC patungong United States, kung saan kasalukuyan siyang naninirahan.
Sa YouTube vlog ng former actress na si Bunny Paras, ibinahagi ni JC Bonnin na mayroon siyang pitong anak sa kanyang unang asawa.
Kasalukuyang mayroong dalawang anak si JC Bonnin sa kanyang second wife na si Rachel Bonnin.
Sa YouTube vlog ng former actress na si Bunny Paras, ikinuwento ni JC Bonnin na siya ay pumasok sa Bible school at mayroon siyang Master's Degree in Pastoral Theology.
Kasalukuyang nagtatrabaho si JC Bonnin bilang hospice chaplain sa U.S.
Makikita sa social media posts ni JC Bonnin ang kanyang masasayang moments kasama ang kanyang pamilya sa United States.