Who is Pernilla Sjoö?

Usap-usapan ngayon sa social media ang foreigner na si Pernilla Sjoö matapos siyang ma-link sa kilalang surfer na si Philmar Alipayo, fiancé ng dating aktres na si Andi Eigenmann.
Hinala ng netizens, si Pernilla ang pinatatamaan ni Andi sa kanyang Instagram Stories tungkol sa isang taong nagtraydor sa kanya. Kaugnay umano ito sa lumabas na larawan ng Swedish national na si Pernilla at ng Pinoy surfer na may matching tattoo na "224" o nangangahulugang "today, tomorrow, forever."
Marami tuloy ang na-curious kay Pernilla dahil sa isyu. Base sa mga impormasyon sa internet, isa siyang underwater photographer na na-in love sa Pilipinas kaya pinili niyang manirahan sa bansa mula pa noong 2013.
Bukod kina Andi at Philmar, malapit din siya sa iba pang Pinoy celebrities gaya ng mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Naging kliyente rin niya ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
May background din siya sa pagma-manage ng hotels at kilala rin bilang mental health and wellness coach.
Kilalanin pa si Pernilla sa gallery na ito.








