Meet Vanie Gandler, ang volleyball player na pinag-uusapan ngayon dahil nali-link siya hiwalayang Julia Barretto at Gerald Anderson.
Si Vanie ay naging usap-usapan sa showbiz dahil sa pagkaka-link nito umano kay Gerald kaugnay sa hiwalayan nila ni Julia Barretto. Ayon sa mga balita, nakikita umano si Gerald sa mga volleyball games ni Vanie.
Naging matunog din ang pangalan nito nang mabanggit ng tita ni Julia na si Claudine Barretto na hindi na raw siya nanonood ng volleyball games.
Kilalanin ang volleyball player na si Vanie rito:
Meet Vanie Gandler, ang Pinay volleyball player at kilala bilang miyembro ng Cignal HD Spikers.
Isa si Vanie Gandler sa mga players ng Premier Volleyball League (PVL), ang top-level professional women's volleyball league sa bansa.
Naging bahagi rin si Vanie Gandler ng Alas Pilipinas.
Bukod sa pagiging volleyball player, si Vanie Gandler ay isa ring social media influencer.
Makikita sa kaniyang social media posts ang pag-attend niya sa events at mga content tungkol sa iba't ibang brands.
Sa Instagram account ni Vanie Gandler makikita na nakarating na siya sa iba't ibang travel destinations.
Naka-post din sa kaniyang account ang pagkahilig sa beach.
Ikinagulat naman ng netizens nang maging bahagi ng usap-usapan sa showbiz si Vanie Gandler. Ito ay dahil sa mga kumakalat na balitang may ugnayan umano sila ni Gerald Anderson. Nakumpirma ang hiwalayan nina Gerald at Julia Barretto noong September 18.
Ayon sa mga kumakalat na balita online, nakikita umano si Gerald Anderson sa volleyball games ni Vanie Gandler.
Bago pa man makumpirma ang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto, nagsalita na rin si Claudine Barretto tungkol sa issue.
Ani Claudine sa interview nina Ogie Diaz and Inah Evans sa "The Issue is You," “Basta hindi na ako nanonood ng PVL. Siya (Vanie Gandler), ayoko nang makita. Wala naman akong galit sa bata. Hindi ko lang siya gusto, pwede naman 'yon diba?”
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement si Vanie Gandler sa hiwalayang Gerald Anderson at Julia Barretto.