Patuloy na pinag-uusapan ng mga manonood ang biglaan at misteryosong pagkamatay ni Basil Palacios, ang karakter ni Benjamin Alves sa Widows' War.
Widows' War-
Bukod dito, sunod naman nilang tinutukan ang mga kaganapan sa burol ni Basil.
Ano-ano nga ba ang nangyari habang siya ay pinaglalamayan? Balikan ang ilang eksena tungkol dito sa gallery sa ibaba.
Pagkalason ang ikinamatay ni Basil Palacios (Benjamin Alves).
Sa pagpanaw ni Basil, labis na nakaramdam ng galit at lungkot ang ama ng una na si Galvan (Tonton Gutierrez).
Agaw-eksena ang pagdating ni Aurora Palacios (Jean Garcia) sa burol ng kanyang pamangkin.
Magkasabay na sumilip sa labi ni Basil sina Aurora at Amando (Lito Pimentel).
Bumisita rin sa burol si Rebecca, ang pinsan ni Basil.
Sa kalagitnaan ng pagdadalamhati ng pamilya ni Basil, isang tsismis ang kumalat tungkol kina George (Carla Abellana) at Sergeant Abdul Casas (Juancho Trivino).
Ang pamilya ni Sam (Bea Alonzo) ang dahilan kung bakit kumalat ang tsismis na nangangaliwa si George.
Dahil sa tsismis, ang asawa ni Basil na si George (Carla Abellana) ang pinakasinisi ng marami sa pagkamatay ng una.
Pinagbawalan pa ni Galvan ang asawa ni Basil na si George na makalapit sa kanyang anak.
Imbes na tahimik na nagluluksa ang lahat, ilang beses na nagkaroon ng kaguluhan sa burol ni Basil.
Rest in peace, Basil Palacios!