News

Will Ashley at Bianca de Vera, trending matapos ang hug moment sa 'PBB' Big Night

GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates Will Ashley and Bianca de Vera
Photo by: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Photo Inside Page


Photos

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates Will Ashley and Bianca de Vera



Trending online ang WillCa, ang tawag sa duo nina Will Ashley at Bianca de Vera, matapos ang nakaka-touch nilang moment sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado, July 5.

Matapos ang announcement ng Big Winner Duo, nagkaroon ng chance sa stage ang housemates na batiin ang isa't isa, kabilang na rito sina Will at Bianca.

Hindi napigilang kiligin ng fans nang mapanood ang pagbati ni Bianca kay Will at yakapin ang isa't isa. Habang isinusulat ito, trending sa X ang "WillCa" na may mahigit 256,000 posts.

Bukod sa kilig comments ay ginawan din ng mga nakatutuwang caption ang moment na ito ng WillCa.

Second place ang duo nina Will Ashley at Ralph de Leon sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, habang ang itinanghal namang Big Winner Duo ay sina Brent Manalo at Mika Salamanca.

SAMANTALA, BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS SA PBB BIG WINNER DUO NA SINA BRENT MANALO AT MIKA SALAMANCA SA GALLERY NA ITO:


Deserve
Selfless duo
Proud
Big Winner Duo
Success
Love and support
History
Real duo
Biggest plot twist
BreKa

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays