Will Ashley, nagbabala sa pagka-hack ng kanyang X account

Agad na umaksyon ang Nation's Son na si Will Ashley matapos nitong malaman na na-hack ang kanyang X (formerly Twitter) account.
Sa Instagram Story ng Sparkle heartthrob, nakiusap si Will sa netizens at fans na i-mass report ang nangyaring hacking.
“Please mass report my X account. Nahack po. Thank you.”
Nakaalalay naman ang fandom ni Will at ikinalat online ang nangyari tungkol sa social media account nito.
Source: (X) and willashley17 (IG)
Ipinagdiwang ni Will kahapon, September 17, ang kanyang 23rd birthday.
Sa kabila nn nangyari sa kanyang X page, sunod-sunod pa rin ang buhos ng blessing sa fast-rising Kapuso actor.
Parte siya ng dalawang pelikula, ang Bar Boys: After School at Love You So Bad.
Mapapanood din siya kasama sina AZ Martinez at Vince Maristela sa new story ng Daig Kayo Ng Lola Ko na "Beast Friends Forever" ngayong Sabado ng gabi.
Sa darating na October 18, idadaos naman ang sold-out solo concert niya na "Will Ashley Live."
RELATED CONTENT: Celebrities na nabiktima ng hackers
























































