Fast Talk with Boy Abunda
Will Ashley, Ralph De Leon, pipiliin pa rin ang isa't isa bilang final duo

Hindi nag-alinlangan ang second big placer ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na sina Will Ashley at Ralph De Leon sabihin na sa kabila ng mga pinagdaanan nila sa loob ng Bahay ni Kuya, pipiliin pa rin nila ang isa't isa bilang final duo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 10, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagpili ni Ralph kay Will bilang huling ka-duo nito. Tinanong din ng batikang host ang Sparkle star kung pipiliin din ba niya ang Kapamilya actor sakaling siya naman ang nabigyan ng pagkakataon mamili.
Alamin ang sagot nina Will at Ralph sa gallery na ito:









