Hindi maitatanggi na 'Big Winner' pa rin na maituturing si Will Ashley matapos ang 'Big Night' ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Hulyo.
Ang tandem nina Will at Ralph de Leon na 'RaWi' ay itinanghal lamang na second big placer. Pero kung titingnan ang career ngayon ng Sparkle actor, talaga namang panalo pa rin si Will dahil sunod-sunod ang mga magagandang nangyari sa kanya sa showbiz.
Balikan ang ilan sa showbiz career highlights ni Will Ashley matapos lumabas sa Bahay ni Kuya sa gallery na ito.
Lumaban at nagpakatotoo sina Will Ashley at Ralph de Leon sa journey nila sa 'Pinoy Big Brother.' At sa big night, todo ang suporta na nakuha nila mula sa 'RaWi' fans at itinanghal sila bilang second big placer.
Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actor bilang housemate, sinabi niya sa IG post, “Maraming salamat po sa pag laban niyo sa akin. Never kong na expect na makakaabot ako sa ganitong punto ng aking PBB JOURNEY. Napakalaking parte ninyo sa aking journey. Kayo ang dahilan bakit nilaban ko ang hamon na ito. Sobra-sobrang pasasalamat, now na andito na po ako sa outside world. Sama-sama tayong lumaban sa mga magiging hamon sa labas ng BNK. Maraming salamat din po sa pag mamahal niyo sa amin ni @ralph_dl , Ang laban na pong ito ay para sa inyo. Sobrang out of words pa din ako. But isa lang ang masasabi ko. Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat. With all my heart.”
Nagkaroon din ng cover story si Will Ashley sa international men's magazine na VMAN Southeast Asia na lumabas nitong Agosto.
Kinuha rin si Will at kapwa housemate niya na si Bianca de Vera bilang ambassadors ng '9.9' sale event ng sikat na online shopping app na Lazada.
Sunod-sunod din ang mga collaboration ng Sparkle actor sa iba't ibang major brands.
Certified viral at sold out ang "Will Ashley Live' concert na idinaos sa New Frontier Theater noong October 18.
Magiging bahagi rin ng 2025 Metro Manila Film Festival ang multimedia heartthrob kasama ang kapwa housemate niya na sina Dustin Yu at Bianca de Vera dahil bibida sila sa movie na Love You So Bad.
Kasama rin si Will sa isa pang MMFF entry na 'Bar Boys: After School' kung saan gaganap siya bilang si Arvin Asuncion.
Kabi-kabila rin ang pinuntahan na fan meetings ni Will Ashley noong November. Naghatid sila ni Bianca de Vera ng kilig para sa fan-meet na inorganisa ng fans nila na 'WILLCA.'
Dating nagkasama sina Will at Bianca sa series na 'Unbreak My Heart' taong 2023.
May upcoming series din si Will na 'The Secrets of Hotel 88' kung saan makakasama niya ang kapwa housemates sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'
Siguradong higit na mas magniningning ang career ng Nation's Favorite Son at Ang Mama's Dreambae ng Cavite sa taong 2026