Willie Revillame bonds with his children and apos in his private beach resort in Puerto Galera

Halos buong linggong napapanood si Willie Revillame sa telebisyon. Patuloy siyang nagbibigay-saya at naghahatid ng pag-asa sa mga manonood sa pamamagitan ng programang niyang 'Wowowin.'
Sa likod ng maingay na mundo ng showbiz, isang simpleng lalaki lamang si Willie. Sa kanyang bakanteng oras, pinipili niyang makasama ang mga anak niyang sina Meryll Soriano, Marimonte Shanelle Revillame, at Juamee Revillame. May isa pang anak si Wil na nagngangalang Louise Anne.
Malapit din ang sikat na TV host sa mga apo niya kay Meryll na si Elijah at six-month-old na si Gido. Si Elijah ay anak ni Meryll kay Bernard Palanca, samantalang si Gido ay anak ng aktres sa current partner niyang si Joem Bascon.
Magkakaiba man ng ina ang kanyang mga anak, minamabuti ni Wil na panatilihing maganda ang kanilang samahan.
Si Meryll ay anak ni Wil kay Bec-Bec Soriano, kapatid ni Diamond Star Maricel Soriano. Si Marimonte naman ay anak ng comedian at 'Wowowin' host sa non-showbiz personality na si Sharon Viduya. Samantalang ang unico hijo ni Wil na si Juamee ay anak niya sa dating asawang si Liz Almoro, isang dating beauty queen.
Sa katunayan, noong June ay nagbakasyon si Wil kasama ang kanyang mga anak at apo sa private beach resort niya sa Puerto Galera para maka-bonding nila ang isa't isa.
Tingnan ang ilan nilang larawan mula sa kanilang family trip sa gallery na ito:









