Nagkaroon ng mainit na usapan sa simula ng Women's Month ngayong March, matapos magbigay ng komento si Quezon City Fourth District Representative Bong Suntay tungkol sa aktres at It's Showtime host na si Anne Curtis.
Ginamit kasi ng naturang congressman bilang halimbawa ang “desire” na naramdaman niya para sa aktres sa kaniyang “imagination” sa hearing sa House Committee on Justice. Ginawa niya ito para kontrahin ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaya naman, bilang suporta sa mga kababaihan, ilang celebrities ang nagbigay ng mensahe para i-empower ang iba pa ngayong Women's Month.
Tingnan kung ano ang sinabi nila sa gallery na ito:
Nagbigay ng makabuluhang mensahe ang actress-beauty queen na si Winwyn Marquez kamakailan lang. Sa kaniyang Instagram, sinabi ng aktres na hindi lang tuwing women's month dapat ipinagdiriwang ang mga kababaihan at sa halip, araw-araw.
Sabi pa ni Winwyn, "For all women.. mothers, daughters, sisters, friends, and every woman just doing her best every day. We all carry different stories of success and struggles, and that alone is worth celebrating."
Sinabi rin ni Winwyn na ang pagbabago ay hindi lang sa mga kababaihan, kundi sa kung papaano kabilis mag-comment o manghusga ang mga tao. "I always think about the world we're raising our children in. Hopefully one where women are met with more respect. For all women, and for the little ones watching us," sabi ng aktres.
Dumalo naman si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa isang Women's Fun Run noong March 8 sa Mall of Asia Grounds sa Pasay City bilang suporta sa mga kababaihan.
Sa panayam kay Barbie ni GMA Integrated News reporter Sherilyn Untalan, ibinahagi ng aktres kung gaano siya ka-proud na nakatakbo niya sa naturang fun run.
Nag-quote din si Barbie ng linya ng karakter niyang si Klay sa 'Maria Clara at Ibarra,' "I feel very safe kasi I'm around all the women and well, a wise woman once said, 'Men have no right to tell women to shut up.'"
Empowering din ang naging mensahe ni Lexi Gonzales sa Instagram kamakailan lang. "In the big 2026, I can say what I want, wear what I want, and do what I want kasi BABAE ako. Happy Women's Month mga ganda," sulat ni Lexi sa kaniyang Instagram post.
Malapit naman para kay Jasmine Curtis-Smith ang naging isyu sa House Committee on Justice, lalo na at kapatid niya ang involved. Kaya naman, grateful siya sa mga taong patuloy na lumalaban sa disrespect patungo sa kawalan ng respeto para sa mga kababaihan.
May paalala rin si Jasmine sa mga magulang at kalalakihan, "Sana po turuan natin ang mga batang lalake, mula bata pa lang turuan natin sila kung ano ang importansya sa pagrerespeto, sa pagbibigay-pugay, sa pag-a-appreciate, at hindi lang 'yun, pagsusuporta sa mga kababaihan."
Grateful at honored naman si Marina Summer na bilang trans woman ay kasama siya sa isang imahe na nagbibigay pugay sa mga kababaihan. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin maiwasan ang mga negatibo, homophobic, at transphobic na komento patungkol sa kagaya niya.
Kaya naman, bilang pagbibigay pugay niya sa mga kababaihan at sa kaniyang trans sisters, sabi ni Marina, "So today, I pay tribute to all the women who dare to live fully every single day. Here's to the women who lead, who rest, who love, who survive—and to every woman still finding her path."
Pagpapatuloy ng drag artist, "I am a woman, shaped by a supportive, loving, accepting, and understanding environment. Every woman deserves the same."