XOXO, ipinaliwanag kung ano ang pinagkaiba nila sa ibang grupo

Kinikilala ngayon ang Kapuso Girl Group na XOXO bilang next generation of divas. Binubuo ito nina Melbelline Caluag, Lyra Micolob, Muriel Lomadilla, at Danielle Ozaraga.
Una silang inilunsad noong 2019 at hindi nagtagal ay naglabas ng kanilang sariling single. Hindi na bago ang mga girl group sa industriya ng musika ngunit sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Hulyo 12 ay ipinaalam nila kung ano ang pinagkaiba nila sa ibang grupo.
Alamin kung papaano nakatulong ang pagkakaiba-iba nina Dani, Riel, Lya, at Mel sa kanilang grupo sa gallery na ito:









