Yasmien Kurdi, ano ang sikreto sa isang masayang pamilya?

Matapos ang dalawang taon ay nagbalik na sa GMA Network si Starstruck Season 1 first princess Yasmien Kurdi.
Matatandaan na ang huling proyekto ng aktres sa network ay ang Afternoon Prime series na The Missing Husband noong 2023. Taong 2024 naman nang ipanganak via caesarean section ng Kapuso actress ang ikalawang baby nila ni Rey Soldevilla Jr. na si Raya Layla.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 12, ibinahagi ni Yasmien ang magulo at masaya nilang buhay kasama si Raya.
“Masaya may baby sa bahay. It's a chaos, kasi laging nandun siya sa age na manggugulo talaga ng bahay. Kung makikita mo sa mga post ko, may isa akong post, lahat talaga magulo 'yung bahay,” pagbabahagi ni Yasmien.
Alamin sa gallery na ito kung papaano pa nabago ni Raya ang buhay nina Yasmien at ng kanyang pamilya:









