Yasmien Kurdi shares photos with Jillian Ward and other female celebs who attended the GMA Gala 2023

Isa sa highlights ng nakaraang weekend ng award-winning Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay ang pagdalo niya sa GMA Gala 2023.
Hot at fierce na lumakad si Yasmien sa red carpet ng Marriott Hotel noong Sabado, July 22, suot ang kanyang stylish na black and white tube gown.
Nagkaroon ng instant bonding moments ang aktres sa kapwa niya celebrities na umattend din sa big event.
Mapapansin sa social media posts ni Yasmien na isa siya sa mga talaga namang nag-enjoy sa GMA Gala.
Sa isa sa Instagram posts ng The Missing Husband actress, makikita ang kanyang mga larawan niya habang kasama ang ilang celebrities.
Nakipag-selfie siya sa Abot-Kamay Na Pangarap actress na si Jillian Ward.
Bukod kay Jillian, mayroon din siyang photos kasama ang ilan pang TV personalities at vloggers.




