Fast Talk with Boy Abunda
Yasser Marta, hindi nanligaw kay Robb Guinto?

Nitong March kinumpirma nina Yasser Marta at Robb Guinto ang kanilang relasyon. Ngunit ang hindi alam ng marami, kung papaano ito nagsimula.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 27, inamin nina Robb at Yasser na bago pa nila isapubliko ang kanilang relasyon ay masinsinan na nila itong pinag-usapan.
“Nu'ng una po, actually, pinag-usapan din namin ni Yass 'yan, kung ready ba kaming i-public kasi siyempre 'pag once na pinublic mo 'yan, maraming pwedeng mangialam, maraming pwedeng manghimasok sa relasyon n'yo. Parang konting kibot lang, may masasabi 'yung tao. May gawin man kaming tama o mali, may masasabi at masasabi 'yung tao,” sabi ni Robb.
Pero papaano nga ba nagsimula ang relasyon nina Robb at Yasser? Alamin sa gallery na ito:









