Yasser Marta, Michael Sager, Kimpoy Feliciano's quick Hong Kong escapade

“Unexpected friendships are the best.”
Ito ang masasabi ng vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano sa kaniyang new-found friends na sina Yasser Marta, Michael Sager at Kokoy De Santos.
Nagsimula lamang kasi ang pagkakaibigan nila nang maging bahagi sila ng noontime show na Eat Bulaga kung saan nabuo ang kanilang grupo na Chaleco Boys.
Mula rito, hindi na lamang basta magkakagrupo ang naging turingan ng apat kundi naging tunay na magkakaibigan na rin sa totoong buhay.
Sa Instagram, ibinahagi nina Kimpoy, Yasser, at Michael ang ilan sa kanilang travel photos mula sa kanilang una at quick Hong Kong trip kamakailan.
Na-miss naman ni Kokoy ang biglaang out of the country ng mga kaibigan pero nangakong magiging kumpleto na sila sa susunod na lakad.
Silipin ang quick Hong Kong escapade photos nina Yasser, Michael, at Kimpoy sa gallery na ito:











