Kinumpirma kamakailan ni Jon Semira ang hiwalayan nila ni Yassi Pressman.
Kasunod naman nito ay ang paglabas ng mga litrato at video, na kumakalat ngayon sa social media, tungkol sa naging engagement noon nina Yassi at Jon.
Viral ngayon ang proposal video, kung saan ipinakita ang naging preparation ni Jon para sa espesyal na araw nila ni Yassi.
Ang 10-minute film ay gawa ng Notion in Motion, ang nag-cover sa mismong surprise proposal.
Kabilang din sa laman ng video ang pagbabahagi ni Jon kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila noon ni Yassi. Ipinakita rin niya kung sino ang mga naging kasabwat at nakatulong niya para sa kanyang mga plano.
Ang highlight naman ng engagement video ay ang mga naging kaganapan nang isinagawa na ni Jon ang wedding proposal niya para kay Yassi.
Narito ang ilang tagpo mula sa marriage proposal ni Jon Semira kay Yassi Pressman:
Bago ang kanilang breakup, engaged na sina Yassi Pressman and Jon Semira.
Saksi ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay ni Yassi nang lumuhod si Jon Semira sa kanyang harapan ng aktres upang alukin siya ng kasal.
Naganap ang engagement nina Yassi Pressman at Jon Semira sa Rancho Bernardo Villas sa Bataan.
Ayon kay Jon Semira, dalawang buwan niyang pinaghandaan ang surprise proposal.
Mapapanood sa video at makikita sa ilang larawan na sobrang nasorpresa si Yassi at masayang-masaya sila ni Jon sa nangyaring engagement.
Unang nagkakilala sina Jon Semira at Yassi Pressman noong July 27, 2017.
Sa naturang engagement video, sweet na sweet na sinabi ni Jon Semira kay Yassi Pressman na, “Our universes collided and nothing was ever the same.”
Sa video, inilarawan ni Jon Semira ang relasyon nila ni Yassi Pressman, “Our love is such a powerful feeling that I don't take for granted and I'm thankful for every day. I want this forever.”
Ito ang mismong sinabi ni Jon Semira nang alukin niya ng kasal si Yassi Pressman, “Yassi, make me the happiest, luckiest, smartest man in this universe… Yas, will you marry me? Please don't leave me hanging.”
Nang kumpirmahin ni Jon Semira na hiwalay na sila ni Yassi Pressman, isa ito sa mga binitawan niyang pahayag, “We wish each other the best and will always appreciate what we had.”