Inilahad ng aktres na si Yassi Pressman sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng dating boyfriend, at basketball player na si Jon Semira.
Sa September 14 episode ng nasabing programa, nagkuwento si Yassi sa batikang TV host na si Boy Abunda kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Jon.
Aniya, “Unfortunately it just didn't go that way.”
“Pero at the end of the day, I value the time that I've had with the person. Lahat naman po ng mga taong may malaking naiambag sa buhay ko ay hindi ko makakalimutan and what's beautiful din po is that we still have a good talking relationship,” dagdag pa niya.
Paglalahad pa ni Yassi, “We have businesses that we built together. Despite not going that way I really still wish him the best and she wishes me the best as well.”
Ayon pa sa aktres, kung may aral man siyang natutunan dito tungkol sa pag-ibig, ito ay, “You have to be honest with how you feel from inside because that's what love is din e.”
“It's not only love towards the person you have feelings for but also love for yourself and you're still whole in a whole right? But if you still have things to work on parang it's kind of difficult so love yourself also while loving another person,” anang aktres.
Matatandaan na nag-viral kamakailan ang video ng engagement nina Yassi at Jon, ilang linggo lamang matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan.
Samantala, nilinaw din ni Yassi na wala silang relasyon ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Represantative na si Sandro Marcos. Ito ay matapos lumabas sa social media ang umano'y sweet na mga larawan nila.
Paglilinaw ni Yassi, “Hindi po, Tito Boy. I think there was just this video. Si Sandro matagal ko na po siyang kakilala. We were laughing about something and then parang nalagyan lang po ng malisya dahil ini-slowmo lang po, nilagyan po ng music. Wala po talaga.”
Mapapanood naman si Yassi sa upcoming GMA action series na Black Rider kung saan katambal niya ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. Pero bago ito, mapapanood muna rin sina Yassi at Ruru sa pelikulang Video City ngayong September 20 sa mga sinehan.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Samantala, balikan ang ilang tagpo mula sa viral marriage proposal ni Jon Semira kay Yassi Pressman:
Bago ang kanilang breakup, engaged na sina Yassi Pressman and Jon Semira.
Saksi ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay ni Yassi nang lumuhod si Jon Semira sa kanyang harapan ng aktres upang alukin siya ng kasal.
Naganap ang engagement nina Yassi Pressman at Jon Semira sa Rancho Bernardo Villas sa Bataan.
Ayon kay Jon Semira, dalawang buwan niyang pinaghandaan ang surprise proposal.
Mapapanood sa video at makikita sa ilang larawan na sobrang nasorpresa si Yassi at masayang-masaya sila ni Jon sa nangyaring engagement.
Unang nagkakilala sina Jon Semira at Yassi Pressman noong July 27, 2017.
Sa naturang engagement video, sweet na sweet na sinabi ni Jon Semira kay Yassi Pressman na, “Our universes collided and nothing was ever the same.”
Sa video, inilarawan ni Jon Semira ang relasyon nila ni Yassi Pressman, “Our love is such a powerful feeling that I don't take for granted and I'm thankful for every day. I want this forever.”
Ito ang mismong sinabi ni Jon Semira nang alukin niya ng kasal si Yassi Pressman, “Yassi, make me the happiest, luckiest, smartest man in this universe… Yas, will you marry me? Please don't leave me hanging.”
Nang kumpirmahin ni Jon Semira na hiwalay na sila ni Yassi Pressman, isa ito sa mga binitawan niyang pahayag, “We wish each other the best and will always appreciate what we had.”