advertisement
TV

Yayo Aguila, Martin Del Rosario on why being gay is still stigmatized

1 of 10

Stigmatized

Aminado sina Yayo at Martin na stigmatized pa rin hanggang ngayon, sa kabila ng suportang natatanggap ng LGBTQIA+ community, ang pagiging gay.

2 of 10

Conservative

Para kay Martin, maaaring dahil marami pa ring mga Pilipino ang nananatiling conservative at closed-minded tungkol dito.

3 of 10

Not backwards

Nilinaw naman ng aktor na hindi niya masasabing backward ang pag-iisip ng mga Pilipino, lalo na at marami na umano ang tumutulong para maging mas bukas ang pag-iisip tungkol sa paksang ito.

advertisement
4 of 10

Judgemental within themselves

Ani Martin, "Deep inside, maraming taong kahit sabihin mong sa paligid, open na sila sa mga gay relationships, merong ibang judgmental within themselves."

5 of 10

Kultura at relihiyon

Maaaring dahilan din kung bakit mayroon pa ring stigma sa pagiging gay ang kultura at relihiyon.

6 of 10

Selfishness

Sang-ayon din dito si Yayo. Sabi ng aktres, "Maliban sa kultura at relihiyon, para sa akin, dito pumapasok 'yung selfishness. 'Yung kunyari as a magulang, ayaw mo kasi hindi 'yung paniniwala mo, so hindi mo tatanggapin. Kasi ayaw mo lang."

advertisement
7 of 10

Yayo's reaction

Sabi ni Yayo, okay lang sa kaniya kung sakaling umamin ang kaniyang anak na siya ay gay. Sabi ng aktres, "Ganu'n talaga e, wala tayong magagawa kasi unang-una, adult na siya."

8 of 10

Happiness

Ayon pa kay Yayo, ang mahalaga sa kaniya ay ang happiness ng kaniyang mga anak, "Sa mga anak ko, ang sinasabi ko sa kanila, 'Kung saan kayo happy, kahit na mahihirapan ako, I will work my way through it and accept whatever's gonna make you happy.'"

9 of 10

Tayo Lang ang Nakakaalam

Sa upcoming Cinemalaya film nila na 'Tayo Lang ang Nakakaalam,' bahagi ng kwento ay ang pagtatago ng karakter niya ng kaniyang gay relationship dahil sa pagiging judgmental at sa stigma ng society.

advertisement
10 of 10

Struggles

Isa sa mga ita-tackle ng pelikula ay ang mga pagsubok na kakaharapin ng mga taong nasa queer relationship at ang takot na mahusgahan sila.

Around GMA