Year in Review: Kapuso and Kapamilya collaborations in 2025

Iba't ibang milestone ang nakamit ng Kapuso at Kapamilya network ngayong 2025 dahil sa mga collaboration na nabuo na nagbibigay ng saya sa mga Pilipino.
Kabilang na rito ay ang pag-ere ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Marso, kung saan nagsama-sama sa loob ng iconic na Bahay ni Kuya ang ilang Sparkle at Star Magic artists bilang celebrity housemates.
Matatandaan na itinanghal sina Brent Manalo at Mika Salamanca bilang Big Winner Duo ng nasabing programa.
Ngayong taon din ang naging muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan pumasok ang 20 na Kabataang Pinoy mula sa Kapuso at Kapamilya network bilang housemates.
Sa larangan naman ng pelikula, ang 2025 Metro Manila Film Festival entry na Love You So Bad, na pinagbibidahan nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera, ay collaboration sa pagitan ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment.
Alamin ang mga Kapuso at Kapamilya collaborations ngayong taon sa gallery na ito.









