Iba't ibang milestone ang nakamit ng Kapuso at Kapamilya network ngayong 2025 dahil sa mga collaboration na nabuo na nagbibigay ng saya sa mga Pilipino.
Kabilang na rito ay ang pag-ere ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Marso, kung saan nagsama-sama sa loob ng iconic na Bahay ni Kuya ang ilang Sparkle at Star Magic artists bilang celebrity housemates.
Matatandaan na itinanghal sina Brent Manalo at Mika Salamanca bilang Big Winner Duo ng nasabing programa.
Ngayong taon din ang naging muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan pumasok ang 20 na Kabataang Pinoy mula sa Kapuso at Kapamilya network bilang housemates.
Sa larangan naman ng pelikula, ang 2025 Metro Manila Film Festival entry na Love You So Bad, na pinagbibidahan nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera, ay collaboration sa pagitan ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment.
Alamin ang mga Kapuso at Kapamilya collaborations ngayong taon sa gallery na ito.
Ngayong 2025, isa sa big collaboration projects ng GMA at ABS-CBN ay ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Naganap ang contract signing sa pagitan ng dalawang networks noong Enero.
Umere ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Marso at ipinakilala ang celebrity housemates na nagmula sa Sparkle at Star Magic.
Ang mga Kapuso housemate ay binubuo nina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca, Vince Maristela at Shuvee Etrata.
Samantala, ang Kapamilya housemates naman ay sina AC Bonifacio, Esnyr Ranollo, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Leon, Kira Balinger, Emilio Daez, Bianca De Vera, at Xyriel Manabat.
Nagwagi sina Brent Manalo at Mika Salamanca bilang Big Winner Duo ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kasalukuyang napapanood ang bagong season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kung saan ang celebrity housemates ay mga Kabataang Pinoy.
Inilabas ang debut single ng Sparkle actress at beauty queen na si Michelle Dee na 'Reyna' noong Marso. Ang 'Reyna' ay ang first collaboration sa pagitan ng GMA Music at Star Music.
Noong June, inilabas ng Star Music ang Pride version ng 'Reyna' music video ni Michelle Dee.
Noong Setyembre, inanunsyo na ang upcoming series na The Secrets of Hotel 88 ay ang bagong collaboration project ng GMA Network at ABS-CBN. Ito ay pagbibidahan ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, AZ Martinez, Dustin Yu, Josh Ford, Will Ashley, Brent Manalo, River Joseph, Bianca De Vera, Kira Balinger, Esnyr, Xyriel Manabat, at Ralph De Leon.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay nakatakdang ilabas sa first quarter ng 2026.
Ang 2025 Metro Manila Film Festival entry na Love You So Bad ay collaboration sa pagitan ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment.
Ang Love You So Bad ay pinagbibidahan nina former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera.