advertisement
Showbiz News

Year in Review: LGBTQIA+ members na pinag-usapan ngayong 2024

1 of 14

Jesi Corcuera

Ikinagulat ng marami ang pagbubuntis ng dating 'StarStruck' aluma at transman na si Jesi Corcuera.

2 of 14

Baby Girl 

Isinilang ni Jesi Corcuera ang kanyang baby girl nitong December 2024.

3 of 14

Mew Suppasit and Tul Pakorn

Mabilis na nag-viral online ang nakakakilig na engagement ng Thai actors na sina Mew Suppasit at Tul Pakorn.

advertisement
4 of 14

Relationship

Kinumpirma nina Mew Suppasit at Tul Pakorn ang kanilang romantic relationship noong nakaraang Hulyo.

5 of 14

Maxie Andreison

Kinoronahan ngayong 2024 ang 24-year-old Manila-based performer na si Maxie Andreison bilang 'Drag Race Philippines' season 3 winner.

6 of 14

Siblings

Naging co-contestant ni Maxie Andreison sa 'Drag Race Phillippines' ang kanyang biological sibling na si Angel, na isa ring member ng LGBTQIA+ Community.

advertisement
7 of 14

Pat Lasaten and Agnes Reoma

Ginanap nitong November 2024 ang intimate wedding ng Ben&Ben members at proud LGBT couple na sina Pat Lasaten at Agnes Reoma.

8 of 14

Love wins

Mula sa pagiging matalik na magkaibigan, forever life partners na ngayon ang Ben&Ben pianist at bassist na sina Pat Lasaten at Agnes Reoma.

9 of 14

Ralf Schumacher

Nag-come out bilang gay ang former F1 driver na si Ralf Schumacher.

advertisement
10 of 14

Identity

Kasunod ng pag-amin na isa siyang proud member ng LGBTQIA+ Community, marami ang nagpadala ng kanilang congratulatory messages para kay Ralf Schumacher.

11 of 14

Medwin Marfil

Pinag-usapan din ng marami ang pag-out ng True Faith frontman na si Medwin Marfil bilang miyembro ng LGBTQIA+ Community.

12 of 14

Wedding

Ikinasal si Medwin Marfil sa kanyang partner na si Mark Angeles noong May 11, 2024. Naganap ang kanilang wedding ceremony sa isang beach sa California.

advertisement
13 of 14

Diwata

Sinusubaybayan ng maraming netizens ang ilang kaganapan sa buhay ng LGBTQIA+ member at vlogger na si Deo Balbuena, na mas kilala sa tawag na Diwata.

14 of 14

Pares Overload Queen

Madalas pag-usapan sa social media ang dinudumog na 24-hour pares business ni Diwata. Dahil dito, binansagan siya ng marami bilang Pares Overload Queen.

Around GMA