advertisement
Showbiz News

Year in Review: Pinoy pop culture in 2024

1 of 10

P-pop songs

Maraming P-pop songs ang nagbigay ng aliw at saya sa Pinoy netizens ngayong taon. Una sa listahan ang mga awitin ng Nation's P-pop group na BINI. Mula sa heartwarming nilang kanta na "Karera" hanggang sa kanilang cutesy music na "Salamin, Salamin", pinusuan ito ng marami hanggang sa global audience. Kasama rin sa top songs ngayong taon ay ang mga kantang "Dilaw" (Maki), "Moonlight" (SB19, Ian Asher, Terry Zhong), at "Sining" (Dionela ft. Jay R).

2 of 10

Bitoy Parodies

Kasabay sa pagpatok ng P-pop songs, naghandog din ng good vibes at aliw ang parody songs ng Kapuso comedian na si Michael V. Dahil sa kanyang mga witty lyrics, mabilis nag-trend online ang lahat ng kanyang mga P-pop parody songs. Ang mga kantang "Salarin, Salarin" at "Hilaw" ay isa sa mga paboritong kanta ng netizens.

3 of 10

Concert craze

Kabi-kabila ang concerts at events ng P-pop groups noong 2024. Mula sa solo concerts hanggang sa collaboration projects, maraming fans ang hindi ipinalampas na mapanood ang kanilang mga paboritong P-pop stars na magtanghal live on stage. Isa sa mga hindi malilimutang concert ang collaboration ng 'The Voice' coaches na sina SB19 Stell at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose. Sinimulan din ng SB19 at Lola Amour ang trend sa paggawa ng documentary concert film.

advertisement
4 of 10

Collaboration

Maliban sa kanilang concerts, marami ring fans ang pinusuan ang collaboration ng P-pop groups on stage at ilan sa kanilang released songs. Sa isang event, nakapagtanghal ang G22 kasama ang K-pop starbut Pinay at heart na si Sandara Park. Natuwa naman ang fans sa collaboration song ng Alamat at The Juans na "Gupit."

5 of 10

Awards

Kasama rin sa mga naging selebrasyon ngayong taon ang mga parangal na natanggap ng P-pop groups.Hindi lang lokal dahil pati na rin sa ibang bansa ay nakilala ang mga hinahangaan nating Pinoy singers. Lumipad sa South Korea ang Kings of P-pop na SB19 at Nation's Girlgroup na BINI para tanggapin ang kanilang prestihiyosong Voices of Asia Awards mula sa Billboard Korea's K Power 100. Samantala, kinilala naman bilang Favorite Asian Act ang SB19 sa Nickelodeon Kids' Choice Awards.

6 of 10

Global performances

Todo suporta ang ibinigay ng Pinoy fans sa kanilang mga paboritong P-pop groups na nagtanghal abroad. Kasama ng BINI, ipinamalas ng G22 ang kanilang husay at vocal power sa Chinese variety show na 'Show It All.' Ang SB19 naman ang kauna-unahang pinoy artists na bumisita sa Japanese music channel na 'THE FIRST TAKE.'

advertisement
7 of 10

Billboard Philippines

Ngayong 2024, masayang nasimulan ang Billboard Philippines Hot 100 Chart. Kagaya sa ibang mga bansa, dito inililista ang mga top P-pop songs kada linggo o buwan. Isa sa mga Filipino artists na nasama na sa listahan ay SB19, BINI, Maki, at ALAMAT.

8 of 10

TikTok craze

Hindi maitatanggi na kasama sa P-pop culture ang pagsali sa iba't ibang TikTok dance challenges. Kahit sino pa man, P-pop idol o fan, marami ang nagpo-post ng kanilang entries sa iba't ibang challenges sa platform. Meron din naaliw sa mga biglaang collaboration videos tulad ng girl group na XOXO at si Rhap Salazar. Meron ding mga grupo na nagpakita ng kanilang suporta sa ibang P-pop singers nang sumali din sila sa dance challenges nito.

9 of 10

OST

Dahil maraming mga magagandang P-pop at OPM songs sa bansa, nabibigyan pansin din ito sa paggamit sa iba't ibang television programs at films. Kagaya ngayong Metro Manila Film Festival, nagamit ang mga kanta ng SB19 na "Nyebe" at "MAPA" sa dalawang award-winning movies na 'Green Bones' at 'And the Breadwinner is...' Nasama rin bilang official singers ang P-pop youngest group na Cloud 7 sa Christmas jingle ng GMA ngayong taon.

advertisement
10 of 10

P-Pop Family

Patuloy na lumalaki ang pamilya ng Pinoy pop industry kasama ang mga bago at mahuhusay na grupo ngayong taon. Kabilang sa mga pinupusuan ngayon ng fans ang P-pop groups na Cloud 7, BILIB, HORI7ON, NEW:ID, PLUUS, 1ST ONE, ASTER, CALISTA, at DIONE. Marami rin ang natuwa nang makita nila ang mga P-pop groups na masayang magkasama sa iisang stage sa mga festivals at awarding nights ngayong taon.

Around GMA