Year in Review: TikTok trends of 2024

Iba't ibang trends ang nag-viral sa social media app na TikTok ngayong taon at naghatid ng saya sa celebrities at netizens.
Isa na rito ay ang “Maybe This Time” dance craze na pinauso ng TikTok content creator na si Ralp Xyrel Villaruz sa popular na video-sharing app. Mula nang maging viral ito, iba't ibang celebrities at personalities na ang kumasa rito tulad nina Hello, Love, Again stars Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Kabilang din sa TikTok trends ngayong 2024 ay ang “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge, kung saan may kani-kanilang gimik ang influencers at celebrities sa pagpapakita ng tradisyon at kultura sa Pilipinas.
Alamin ang iba pang nag-viral na TikTok trends ngayong 2024 sa gallery na ito.













