Iba't ibang trends ang nag-viral sa social media app na TikTok ngayong taon at naghatid ng saya sa celebrities at netizens.
Isa na rito ay ang “Maybe This Time” dance craze na pinauso ng TikTok content creator na si Ralp Xyrel Villaruz sa popular na video-sharing app. Mula nang maging viral ito, iba't ibang celebrities at personalities na ang kumasa rito tulad nina Hello, Love, Again stars Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Kabilang din sa TikTok trends ngayong 2024 ay ang “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge, kung saan may kani-kanilang gimik ang influencers at celebrities sa pagpapakita ng tradisyon at kultura sa Pilipinas.
Alamin ang iba pang nag-viral na TikTok trends ngayong 2024 sa gallery na ito.
Isa sa mga nausong trend sa TikTok ngayong taon ay ang Asoka makeup trend. Ang “Asoka” ay title ng 2001 Bollywood movie na pinagbidahan nina Kareena Kapoor at Shah Rukh Khan. Sa trend na ito, magta-transform sa isang Indian bride look ang gagawa ng entry habang sinasabayan ng creative transitions ang awiting “San Sanana.”
Naki-join ang celebrities at personalities sa Asoka makeup trend at may kani-kanilang paandar ang mga ito. Isa na rito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nag-transform sa kanyang iconic Marimar look.
Ang “I am… of course..” ay ang bagong online trend sa pagpapakilala at ikinukuwento ang isang bagay sa tungkol sa iyong buhay, propesyon, o kung anumang may kinalaman sa sarili.
Iba't ibang Kapuso at Sparkle stars na ang kumasa sa “I am… of course…” trend, na naghatid saya sa netizens dahil sa kanilang pagiging witty at creative.
Isa sa mga pumatok na challenge sa TikTok ngayong 2024 ay ang “Marikit Sa Dilim” trend. Ang OPM track na ito ay inawit nina Juan Caoile at Kyleswish.
Ipinamalas ng Kapuso at Sparkle stars ang kanilang dance moves nang kumasa sa “Marikit Sa Dilim” trend. Kabilang sa mga gumawa nitong trend ay sina Shining Inheritance stars Kyline Alcantara, Kate Valdez, at Roxie Smith, at iba pa.
Kabilang sa viral challenges ngayong 2024 sa TikTok ay ang “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend.
Iba't ibang celebrities at personalities ang kumasa sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend at may kani-kanilang gimik ang mga ito sa pagpapakita ng tradisyon at kultura ng bansa. Isa sa entries na pinusuan ng netizens ay ang kay Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Bukod sa smooth transitions at stunning makeup looks, ipinakita ng It's Showtime host ang pressing issues na kinakaharap ng bansa.
Patok naman sa celebrities at netizens ang “Maybe This Time” dance craze, na sinimulan ng TikTok content creator na si Ralp Xyrel Villaruz. Katunayan, bumisita pa si Ralp Xyrel sa It's Showtime noong Agosto at sinayaw ang nasabing dance craze kasama ang hosts ng programa at social media personalities.
Iba't ibang celebrities at personalities ang kumasa sa “Maybe This Time” dance challenge gaya nina Hello, Love, Again stars Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Isa sa mga kinaaliwan na TikTok challenge ay ang “Namumula” trend.
Kumasa ang Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix sa “Namumula” TikTok trend at natuwa ang fans at cute at flawless moves ng Kapuso actor.
Isa sa kinaaliwan na viral trends sa TikTok ay ang “Superman” challenge, kung saan may isang tatalon nang naka-Superman pose habang dalawang tao ang sumasalo rito.
abilang sa mga kumasa sa “Superman” trend ay ang Mga Batang Riles stars Miguel Tanfelix at Zephanie kasama ang social media stars na sina Spencer Sefarica at Jomar Yee.
Sa TikTok video, unang tumalon si Miguel na naka-Superman pose at maayos na nakabalik. Sinundan naman siya ni Zephanie na sinubukan din ang trend, ngunit nang buhatin na siya pabalik nina Spencer at Jomay ay nawalan ng balanse ang aktres.