Yeng Constantino, inaming madaling nadadala ng emosyon

Ipinagdiwang ni Yeng Constantino ang kaniyang 20th anniversary sa industriya sa pamamagitan ng two-day 'Biyaheng Bente' concert, na ginanap sa Araneta Coliseum, Quezon City, nitong September 5 at 6.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, September 7, ipinahayag ni Yeng kung gaano ang pasasalamat niya sa suportang natanggap sa kaniyang concert.
Sa kabilang banda, inilarawan ng pinakabagong 'The Voice Kids' coach ang kanyang 20-year showbiz journey bilang isang “roller coaster.”
“There were highs and lows, but I'm so grateful for everything kasi ganiyan po ang storya na ginawa ng Panginoon sa buhay ko, and alam ko po na bawat season ay may purpose, so I'm just going to be present right now sa season na ito with my Yengsters and the fans, and I will give my all,” sabi ng Pop Rock Royalty.
Alamin ang naging takbo ng karera ni Yeng sa gallery na ito:









