Encantadia Chronicles: Sang'gre
Ysabel Ortega, ipinakita ang ilang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'

Ipinakita ni Ysabel Ortega ang ilang behind-the-scenes sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kitang-kita ang saya ng aktres sa set sa kanyang mga selfies habang naka-warrior costume bilang Armea. May larawan din siya kasama ang Rama (hari) ng Sapiro na si Soldarius, na ginagampanan ni Luis Hontiveros.




