Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr. pinabulaanan ang mga haka-haka sa kanilang kasal

Naging mainit na usapan ang kasal kamakailan nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. dahil sa bongga at magarbong selebrasyon nila. Sa katunayan, ilang netizens ang nagpahayag ng mga haka-haka nila sa kasal ng dalawa, partikular sa mga nagastos nila dito.
Sa pagbisita nina Zeinab at Ray sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 17, pinabulaanan ng celebrity couple ang mga haka-haka ng netizens patungkol sa kanilang kasal.
Pagbabahagi ni Zeinab, hindi naman nila pinangarap ang magarbong kasal. Sa katunayan, simple at intimate na kasal lang sana ang plano nila.
“But binless kami ni God na may pinadala siyang tao na ginawa po 'yung wedding na 'yan. 'Yung venue, from the ground up talaga, five months ginawa 'yung venue. And nu'ng nakita namin 'yung wedding venue, parang sobrang na-overwhelm kami na sabi namin, kailangan namin i-give back du'n sa nag-bless sa amin na ninong namin,” pagbabahagi ni Zeinab.
Alamin ang naging reaksyon nina Zeinab at Ray sa mga haka-haka sa presyo ng kanilang wedding sa gallery na ito:









