Zeinab Harake, mag-aartista na rin!

Matapos ang apat na taon bilang vlogger at social media influencer, sasabak na rin sa mainstream media si Zeinab Harake.
Mina-manage ngayon ang entertainment career ni Zeinab ng Aguila Entertainment, ang talent agency rin nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Beauty Gonzalez, at iba pang artista.
Noong Huwebes, June 21, nagkwento si Zeinab sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kanyang acting workshop kay Ana Feleo, na inorganisa ng kanyang talent manager na si Katrina Aguila.
"Noong una, na-overwhelm ako kasi ako po 'yung klase ng tao na parang makapal lang 'yung mukha tingnan, madaldal lang ako pero mahina po 'yung loob ko lalo na sa mga pinagdaanan ko before, sa mga trauma ko. Sila po 'yung mga taong nagpapakita sa 'kin na may talent ka, 'di mo lang nakikita o namumulat pa and sila 'yung tumulong sa 'kin to do better sa tatahakin ko po sa showbiz," bahagi ni Zeinab.
Ayon pa sa sikat na YouTuber, malaking bagay ang pag-artista para sa kanyang personal development.
"Sa apat na taon na nagba-vlog ako, independent influencer, dadating po 'yung time na mapapagod ka. Kailangan mo ng tulong and, sa apat na taon na po 'yun, naiipit lang ako na naiipit sa madilim na sitwasyon.
"So, kailangan ko ng mga taong gagabay sa 'kin nang tama and natutuwa ako kasi nagiging maayos akong tao talaga, nakakatulong s'ya. Hindi lang sa career ko, pati 'yung ugali, kung pa'no ka makikisama, kung pa'no ka maniniwala sa sarili mo, kung pa'no mo mamahalin 'yung gagawin mo."
Ngayong magiging ganap na siyang aktres, ano ang inaasahan ni Zeinab?
"Hindi naman po ako nag-e-expect pang sarili ko. Ang gusto ko lang ma-portray ko lang ng maayos 'yung trabahong ibabato sa 'kin dahil ayokong makaabala, ayokong maging sakit ng ulo kahit kanino. Gagawin ko kung ano 'yung kaya ko at gagawin ko talaga 'yung pinaka-best ko para walang mapapahiya."
Tingnan ang mga unang larawan ni Zeinab bilang showbiz personality:







