Zeinab Harake, Ray Parks Jr., may expensive wedding gifts sa isa't isa

Usap-usapan sa social media ang napakagandang wedding nina Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake.
Sa vlog na in-upload ni Zeinab sa YouTube na may title na #ZEINABfoundherRAYtone, ipinasilip ng content creator ang mga naging kaganapan sa kasal nila ni Ray.
Kabilang na rito ang moment kung saan ipinaabot ng couple sa kanilang mga anak na sina Lucas at Zebbiana ang expensive at extravagant gifts nila para sa isa't isa.
Related gallery: Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana
Ipinakita sa video ang excitement ni Ray nang makita niyang isang brand new na sasakyan ang regalo sa kanya ni Zeinab.
Masayang-masaya naman ang vlogger-actress sa luxury bag na natanggap niya mula kay Ray.
Kakabit ng mga regalo ay ang sweet messages nila sa isa't isa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 3 million views ang vlog tungkol sa kanilang wedding.
Matatandaang inanunsyo ni Zeinab ang tungkol sa engagement nila ni Ray noong July 7, 2024.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang mga magarbong regalong ito na ibinigay ng mga celebrity sa kanilang mga partner:







































