Zephanie's sparkling showbiz career

Hindi maitatanggi na isa si Zephanie sa pinaka-talented na singer ngayon sa bansa.
Tubong Biñan, Laguna, maagang nangarap si Zephanie na makapasok at makilala sa music industry. Pero, bago niya makamit ang ningning na tinatamasa ngayon, dumaan siya sa hirap at mga kabiguan.
Sa kabila nito, hindi pinanghinaan ng loob si Zephanie at patuloy na lumaban para sa kanyang pangarap.
Ngayon, isa na siya sa mga mahuhusay at hinahangaang mang-aawit, na binansagang "This Generation's Pop Princess."
Alamin ang inspiring na kuwento ni Zephanie sa gallery na ito:













