Zia Quizon and Aleksa Rahul's sweetest photos

Taong 2022 nang magbahagi ng “proof of husband” posts si showbiz royalty Zia Quizon at asawa niyang si Aleksa Rahul matapos diumano kuwestyunin ng netizens ang tungkol sa pagpapakasal niya sa Serbia.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, ikinuwento ni Zia ang tungkol sa naturang posts. Paliwanag ni Zia, karamihan sa kanilang mga panauhin sa kasal ay pamilya ni Aleksa. Parte ng kultura nila ang pagiging pribado, bagay na nirerespeto ng singer sa hindi pag-post online.
“They tend to be like very private, like 'yung culture nila is a lot more private than maybe Pinoys. We're the most online, like, they're kind of like the opposite, they can be very private people, so I wanted to be sensitive din to their sensibilities in that regard,” sabi ni Zia.
Ngunit ngayon, hindi nagkukulang ang singer sa pag-post ng ilan sa mga sweetest moments nila ni Aleksa.
Tingnan ang ilan sa sweetest moments ng mag-asawang Zia at Aleksa sa gallery na ito:









