Ang drama series na Cruz vs. Cruz ang pinakabagong handog ng GMA sa Pinoy viewers.
Ang naturang serye ay pinagbibidahan nina Vina Morales, Neil Ryan Sese, at Gladys Reyes.
Kabilang din sa cast sina Kristoffer Martin, Lexi Gonzales, Pancho Magno, Elijah Alejo, at Caprice Cayetano.
Sa isa sa previous episodes nito, napanood na kinailangang maoperahan ang anak nina Manuel (Neil Ryan Sese) at Felma (Vina Morales).
Ano nga ba ang unang napagdesisyunang gawin ni Manuel para matutustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, kabilang na ang heart operation ni Andrea (Kzhoebe Baker)?