Handa na ba kayong ma-in love, kiligin, at masaktan?
Tampok sina Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at ang ex-PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Sofia Pablo, Iñigo Jose, Ashley Sarmiento, Lee Victor, at Rave Victoria sa iba't-ibang kuwento ng pag-ibig sa TV adaptation ng 'Barangay Love Stories.'
Bibida sina Shuvee at Anthony sa isang kilig office romance. Lalabanan kaya nila ang kanilang destiny dahil sa kanilang paniniwalang bawal ang kanilang pag-ibig?
Ipapakita naman nina Sofia at Iñigo ang kahalagahan ng tiwala sa isang relasyon. Maaayos pa kaya nila ito kapag nasira na ang tiwala?
Para naman sa third episode, sina Ashley, Lee, at Rave ang magpapakita ng epekto ng “ghosting,” lalo na pagdating sa pagbibigay ng second chances. Deserve nga ba ng mga ghoster ang second chance?
Abangan ang iba't-ibang kuwento ng pag-ibig sa 'Barangay Love Stories' ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA.