Unti-unti nang nakikilala ng viewers ang mga karakter nina Beauty Gonzalez at Kris Bernal sa bagong intense drama series na House of Lies.
Si Beauty ang gumaganap bilang si Marj, babaeng may prinsipyo at mapagmahal na anak at kapatid habang si Kris naman ay kilala sa serye bilang si Thea, isang babaeng gagamitin ang taglay niyang kagandahan sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.
Sino sa kanila ang sinusubaybayan mo sa House of Lies?