Bukod sa role ng mga artista na napapanood sa iba’t ibang television drama series o mga pelikula, isa rin sa nagpapakilig sa mga Pinoy ay ang love life ng kanilang celebrity idols.
Mapapa #SanaAll ka na lang talaga!
Kasabay kasi ng patuloy na pagsikat nila sa mundo ng showbiz, ilang Kapuso stars ang masaya ring ibinabahagi sa kanilang fans at followers ang sweet photos kasama ang kanilang real-life partners.
Ilan sa #Relationshipgoals ay sina Barbie Forteza at Jak Roberto na tinatawag ng ilang fans na JakBie, at sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na tinatawag naman ng kanilang fans na GabLil.