Pa-intense nang pa-intense ang mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kasalukuyang napapanood sa serye ang mga eksena habang bihag pa rin ng mga armadong lalaki ang APEX doctors na sina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke Antonio (Andre Paras).