Nitong Huwebes, August 27, 2024, isang masamang balita ang natanggap ni Doc Zoey (Kazel Kinouchi) sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’
Nang makausap niya ang kanyang ama na si Carlos (Allen Dizon), sinabi nito na pinatay na niya si Dr. Lyndon Javier, ang karakter ni Ken Chan sa serye.
Sa previous episodes ng hit medical drama, nakilala si Dr. Lyndon bilang isa sa mga kaibigan ni Dra. Analyn (Jillian Ward).
Sa isa sa mga eksena ni Dra. Analyn, inamin ng batang doktor na nahulog na ang loob niya kay Dr. Lyndon kaya labis siyang nalungkot nang bigla itong nawala at hindi man lang umano nagpaalam sa kanya.
Walang kaalam-alam si Dra. Analyn na patay na pala si Dr. Lyndon.