Kabilang sa sinusubaybayan ng mga manonood sa award-winning GMA medical drama series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ay ang mga kontrabida.
Ilan sa kanila ay sina Moira/Morgana (Pinky Amador), Zoey (Kazel Kinouchi), Madam Chantal (Pilar Pilapil), at Nushi G (Gladys Reyes).
Sa susunod na episodes ng serye, isa sa kanila ang kakampi na sa mag-ina na may mabuting puso na sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).