Ang veteran actress na si Pilar Pilapil ang isa sa mga bagong guest actors sa award-winning GMA medical drama series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’
Napapanood sa serye si Pilar bilang si Madam Chantal.
Kasalukuyang pinag-uusapan sa serye ang mga eksena nila ni Dexter Doria, na napapanood naman bilang si Tyang Susan.
Parehas na matapang at maldita sina Tyang Susan at Madam Chantal, at tila hindi sila magpapatalo sa isa’t isa.