Inilabas na ng Metro Manila Development Authority ang mga pelikulang mapapanood sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Sa walong entries, apat dito ay mga pelikulang kinabibilangan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, Will Ashley, Shuvee Etrata, Dustin Yu, Ashley Ortega, Bianca De Vera, Klarisse De Guzman, Brent Manalo, Esnyr, at River Joseph.
Ngayon pa lang, marami na ang nakaabang sa pagsisimula ng MMFF 2025, na opisyal na magbubukas sa Kapaskuhan, para suportahan ang kanilang mga iniidolo.
Sa apat na pelikula ng PBB Collab housemates, ano ang nais mong mapanood sa big screen? Iparinig ang iyong boses sa poll na ito: