Patok din sa netizens at fans ng recently concluded reality competition Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang tambalang RalphVee (Ralph De Leon and Shuvee Etrata) at WillVee (Will Ashley and Shuvee Etrata).
Mapapansin sa social media na marami ring nagsi-ship sa kanila gaya na lang ng sa iba pang sumikat na love team sa palabas.
Si Ralph ay nakilala sa Bahay Ni Kuya bilang Dutiful Judoson ng Cavite, habang si Will naman ay binansagan dito bilang Mama’s Dreambae ng Cavite.
Ang isini-ship naman sa kanila na si Shuvee ay nakilala sa PBB Celebrity Collab Edition bilang Island Ate ng Cebu.