Mas lumalalim na ang samahan nina Joni (Kylie Padilla) at Miguel (Rayver Cruz) matapos na magsama para sa 2022 Mixed Doubles 9-ball Tournament kung saan naiuwi nila ang tropeo laban kina Golden Eye (Klea Pineda) at Striker X (Xavier Gomez).
Masakit man para kay Toypits (Jak Roberto) na nakikitang nagiging malapit na sina Joni at Miguel sa isa't isa, mas pinipili na lamang niyang magpaubaya at sundin ang makapagpapasaya sa ating Bolera.
Paano kung magtapat na rin si Toypits ng tunay niyang nararamdaman para kay Joni? Sino kaya ang pipiliin ng ating Bolera?