POLL

POLL: Dapat bang sundin ni Farrah ang mga "patakaran" ni Diane sa 'Legal Wives?'

Matindi ang tensiyon sa pagitan ng pangalawang asawang si Diane (Andrea Torres) at pangatlong asawang si Farrah (Bianca Umali) sa GMA Telebabad series na Legal Wives.

Sa pagbabalik ni Diane sa tahanan ng mga Makadatu, malalaman niyang ikinasal na pala muli si Ismael (Dennis Trillo) sa mas batang si Farrah.

Ipapaliwanag naman sa kanya na ang kasalang ito ay dulot ng pagprotekta ni Ismael sa dangal na Farrah na naging biktima ng karahasang sekswal.

Dahil dito, magbibigay si Diane ng mga "patakaran" kay Farrah tungkol sa pakikitungo niya kay Ismael.

"Puwede bang hanggang papel lang ang kasal ninyong dalawa? Meaning, no touch, no kiss," tanong ni Diane kay Farrah.

"Huwag na huwag ka din sanang magkakagusto o ma-i-in love kay Ismael," babala pa nito.

Pero unti-unti nang napapagtanto ni Farrah na obligasyon niya bilang Muslimah na pagsilbihan ang kanyang asawa.

"Tungkulin ko na asikasuhin si Ismael bilang asawa niya," pagsusumamo niya kay Diane.

Dapat bang sundin ni Farrah ang mga patakaran ni Diane gayong isang legal wife din naman siya ni Ismael?

Poll Inside Page


Polls

Legal Wives




'The People Have Spoken' POLL: Anong propesyon ang pipiliin mo para sa anak mo?
Stage heartthrobs: Vote for the hottest theater actor in the Philippines
POLL: Anong version ni Alden Richards sa 'Love, Siargao' ang fantasy n'yo?