Aminado si Enzo (Xian Lim) na gusto niya si Ponggay (Ashley Ortega) bilang isang tao. Komportable na rin siya sa dalaga at sa mga magulang nito.
Ngayong mas nagiging malapit na si Enzo kay Ponggay, nahuhulog na rin kaya ang loob niya para sa dalaga?
Samantala, malalaman na ni Bogs (Kim Perez) na ang babaeng kinagigiliwan niya at si Ponggay ay iisa. Tila seryoso na rin si Bogs sa nararamdaman niya para sa dalaga.
Ano kaya ang gagawin ni Enzo kung sabihin ni Bogs na gusto niya na si Ponggay?
Patuloy na subaybayan ang 'Hearts On Ice,' Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.