Mangyayari na ang inaabangan ng fans sa ‘To Have And To Hold’ mamayang gabi (October 21), dahil matapos ang malagim na pagkakabaril ni Dominique (Max Collins) ay magigising na siya!
Ang problema, gustuhin man ni Gavin (Rocco Nacino) na malaman ang katotohanan mula sa bibig ni Dom ay hindi ito mangyayari dahil nakaranas ng memory loss ang kanyang asawa.
Kung nasa pareho kayo ng sitwasyon ni Gavin, magagwa n’yo bang alagaan at patawarin ang taong ipinagpalit ka sa iba?