Sa natitirang huling dalawang gabi ng Mr. Queen, mangyayari na ang pinakamatinding kaguluhan sa palasyo.
Upang tuparin ang planong paghihiganti, buong lakas at buong tapang na susugod sina Kim So Yong at Haring Cheoljong sa mismong araw ng pagluluklok sa magiging bagong hari.
Kapansin-pansin na tila kahit ano pa ang mangyari ay magkasamang haharapin ng hari at reyna ang kanilang magiging kapalaran sa gitna ng laban.
Ngunit isang bagay ang maaaring makapagpabago sa kanilang kapalaran.
Kung sakaling magtagumpay sila at makabalik na sa palasyo, mananatili pa rin ba si Byron sa katawan ni Kim So Yong? O makakabalik na ang dalawa sa kanilang tunay na katawan?