Mainit na pinag-uusapan ang nangyari sa relasyon nina Gina (Kylie Padilla) at Gerald (Jak Roberto) at pati na rin kina Robert (Gabby Concepcion) at Betsy (Kazel Kinouchi) ng ‘My Father’s Wife.’
Ang patataksil na ginawa nina Gerald at Betsy ay talagang nagpainit ng dugo sa viewers at netizens.
Dahil sa mga nangyari, determinado ang dalawa na ayusin at itama ang kanilang pagkakamali na nagawa sa kani-kanilang asawa.
Pero, mga Kapuso, kung kayo ang tatanungin. Deserve nga ba ng asawa mong nag-cheat ang second chance?