Walang paawat sa big twist ang kinahuhumalingang GMA Afternoon Prime series na 'My Father’s Wife.'
Mas lalong gugulo ang sitwasyon sa pamilya ng mag-amang Robert (Gabby Concepcion) at Gina (Kylie Padilla) nang malaman nila na buntis si Betsy (Kazel Kinouchi).
Ang malaking tanong, sino ang tatay ng ipinagbubuntis ni Betsy—si Robert o si Gerald (Jak Roberto)?