Sa huling linggo ng 'Royal Blood,' sa inyong palagay, sino ang tunay na pumatay kay Gustavo Royales?
Inamin na ni Andrew (Dion Ignacio) ang pagsaksak kay Gustavo (Tirso Cruz III) noong kaarawan ni Archie (Aidan Veneracion), pero, aniya, hindi siya ang naglason dito. May katotohanan kaya ang sinabing ito ni Andrew?
Kung hindi si Andrew ang lumason, na dahilan umano ng pagkamatay ni Gustavo, isa kaya sa mga anak nito na sina Kristoff (Mikael Daez), Beatrice, (Lianne Valentin), o Napoy (Dingdong Dantes) ang tunay na salarin?
O baka naman isa kina Margaret (Rhian Ramos), Diana (Megan Young), Tasha (Rabiya Mateo), o Emil (Arthur Solinap) ang pumatay kay Gustavo? Lahat maaaring paghinalaan, maging sina Cleofe (Ces Quesada), Otep (Benjie Paras), at Camilla (Carmen Soriano). Damay na rin ang mga bata na sina Louie (James Graham), Anne (Princess Aliyah), at Archie (Aidan Veneracion).
