POLL

POLL: Royal Blood: Gustavo is dead! Was it just an accident or a murder?

Hindi pa man nahahanap ang sumaksak sa kanya, muling may nagtangka sa buhay ni Gustavo Royales (Tirso Cruz III). 

Sa episode 18 ng Royal Blood na napanood nitong Miyerkules (July 12), kahit inabot na ng gabi ay matiyaga pa ring naghintay si Gustavo sa playhouse para malaman kung sino ang sumaksak sa kanya. Hinala nito na isa sa mga anak niyang sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin) ang may gawa nito sa kanya. 

Pero sa halip na pag-amin at paghingi ng tawad ang makuha, nalagay pang muli sa peligro ang buhay niya. Sa pag-alis sakay ng kabayo niya, kagulat-gulat na ang mga sumunod na nangyari. 

Habang hinahanap ni Napoy (Dingdong Dantes) si Beatrice, nakasalubong niya ang tauhan ng ama na dala-dala ang kabayo ng kanyang ama ngunit wala si Gustavo. Dahil dito, agad niyang hinanap ang ama hanggang sa makarinig siya nang malakas na sigaw at dito niya nakita si Anne (Princess Aliyah) na nanginginig habang itinuturo ang nakahandusay na katawan ni Gustavo sa damuhan.

Wala ng pulso nang dalhin si Gustavo sa ospital. Ayon sa doktor, matinding tama sa ulo ang sanhi ng pagkamatay nito. Nag-match naman ang tama sa ulo ni Gustavo sa nakitang bato kung saan ito nakahandusay. Pero naniniwala si Napoy na hindi aksidente ang pagkamatay ng ama.

Poll Inside Page


Polls

Royal Blood




POLL: Which PBB Celebrity Collab Edition 2.0 pairing is your ultimate ship?
POLL: Sino ang pambato mo sa grand finals ng 'The Voice Kids'?
POLL: Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year